Sec. Dinky Soliman, tinawag na “ignorante” ng mga child rights group

“Edukasyon at partisipasyon, dalawa sa mga batayang karapatan ng bata na tila hindi alam ni DSWD Sec. Dinky Soliman. Nagsasalita siya nang hindi alam ang nangyayari sa mga batang lumad sa Mindanao,” ika ni Kharlo Manano, SALINLAHI secretary-general.

Binansagang “ignorante” ng SALINLAHI  Alliance for Children’s Concerns at Save our Schools network si Sec. Soliman matapos ang pag-aakusa nito na nilalabag diumano ng mga child rights institutions at church based organizations ang karapatan ng mga batang Lumad dahil sa pagpapalahok sa kanila sa isang kampuhan na isinasagawa sa tapat ng Department of Education Region XI.

‘Dapat malaman ni Sec. Soliman na kaya wala sa mga paaralan ang mga batang ito ay dahil pilit ipinapasara ng Department of Education (DepEd) ang kanilang mga eskwelahan. Nagsasagawa sila ng kilos-protesta kasama ang kanilang mga magulang at mga katribu upang ipanawagan ang pagpapatigil sa pagpapasara ng hindi bababa sa 25 lumad community schools sa Davao region at ang tuloy-tuloy na pag-atake ng AFP sa kanilang mga paaralan at komunidad,’ ani ni Madella Santiago, tagapagsalita ng Save our Schools network.

‘Kung tunay ang pagkalinga si Sec. Soliman sa karapatan at kagalingan ng mga bata, dapat siya ang nangunguna sa pagdinig sa hinaing nila. Dapat ay kay DepEd Sec. Armin Luistro at sa AFP siya umaapela na itigil na ang patuloy na pag-atake at pagkakampo sa mga paaralang lumad. Kailangan din niyang tumindig sa panig ng mga biktima, walang iba kundi ang halos 3,000 batang lumad,’ pahayag pa ni Santiago.

Kinundena din ng grupo ang Oplan Bayanihan na matagal nang lumalabag sa karapatang tao ng mga mamamayan sa mga komunidad ng magsasaka at katutubo, kabilang na ang mga bata. Ayon pa sa grupo, ang pagpapasara ng mga paaralang lumad at ang patuloy na pagkakampo ng mga militar sa mga paaralang lumad ay malinaw na bahagi ng kontra-insurhensiyang programa ng gubyernong Aquino na nagbabalat-kayong para sa kapayapaan at kaunlaran. Pinatutunayan ito ng pahayag ni Col. Harold Cabreros, kumander ng 1003rd Infantry Brigade kamakailan lamang na kailangang magtulungan ang iba’t-ibang ahensiya ng gubyerno, kabilang ang DSWD sa pagsugpo sa insurhensiya.

‘Noon pa man ay matagal nang pinapanawagan ng Salinlahi at iba’t-ibang grupo ang pagpapaalis sa mga militar sa iba’t ibang komunidad sa Mindanao, gayundin ang pagbabasura sa Oplan Bayanihan. Hangga’t hindi ito ginagawa ng gubyernong Aquino ay hindi mabubuhay na mapayapa at maunlad ang mga bata sa Mindanao,” pagtatapos ni Manano.###

Piket ng mga katutubong Lumad sa harapan ng DepEd Region XI para ipanawagan ang pagpapatigil ng pagpapasara sa kanilang mga eskwelahan at pagpapalayas ng mga militar sa kanilang komunidad at eskwelahan. Larawan mula sa Kilab Multimedia

Piket ng mga katutubong Lumad sa harapan ng DepEd Region XI para ipanawagan ang pagpapatigil ng pagpapasara sa kanilang mga eskwelahan at pagpapalayas sa mga militar sa kanilang komunidad at eskwelahan. Larawan mula sa Kilab Multimedia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s